Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Add Starynovel to the desktop to enjoy best novels.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Your cookies settings
Strictly cookie settingsAlways Active
Atomic Hearts
READING AGE 18+
CERRIDWEN
Romance
ABSTRACT
Atomic HeartsSa isang bayang tila nakakulong sa anino ng isang hindi kailanman pinagana ngunit makapangyarihang planta, umusbong ang isang pag-ibig na kasing-init at kasing-delikado ng enerhiyang nais nitong likhain.Nagsimula na ang konstruksyon ng Sebastian Nuclear Power Plant sa bayan ng San Isidro. Isang proyekto ng gobyerno at private company na nangangakong magbibigay ng sagot sa lumalalang krisis sa enerhiya. Ngunit kasabay ng pangakong pag-unlad ay ang pangamba ng mga mamamayan—takot sa sakunang maaaring idulot ng isang bagay na hindi nila lubos na nauunawaan.Si Daniel Sebastian, isang dedikadong engineer at anak ng may-ari ng Planta, si Althea Ramos, isang guro sa elementarya at aktibistang lumalaban sa pagtatayo ng planta. Si Daniel ay ipinadala ng kaniyang ama upang tiyakin ang seguridad ng proyekto at upang ipaliwanag sa mga taga-San Isidro ang benepisyong hatid nito. Para sa kanya, ang planta ay isang pangarap—isang ambisyong maghahatid ng kinabukasang hindi na kailangang umasa sa lumang paraan ng enerhiya. Ngunit para kay Althea, ito ay isang bomba na naghihintay lamang sumabog, isang panganib na maaaring ikapahamak ng kanilang bayan.Nagsimula ang lahat sa isang mainit na debate sa isang pampublikong pagpupulong. Matalas ang mga salita ni Althea, walang takot niyang kinuwestiyon ang seguridad ng planta. Ngunit si Daniel, sa kanyang paniniwala at dedikasyon, ay hindi natinag. Sa halip, hinangaan niya ang tapang at talino ng babae. Habang lumilipas ang mga araw, madalas silang nagkikita—minsan sa harap ng planta kung saan nagtitipon ang mga nagpoprotesta, minsan sa pamilihan ng bayan kung saan tila nagiging personal ang kanilang pag-uusap. Ang alitan ay unti-unting napalitan ng paghanga, at ang paghanga ay nauwi sa lihim na pagsulyap at pagnanasa.Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo, hindi nila napigilan ang pag-usbong ng damdamin para sa isa’t isa. Nagtagpo sila sa gitna ng gabi, sa dalampasigan ng San Isidro kung saan tanging ang liwanag ng buwan at ang alon ng dagat ang saksi sa kanilang mga lihim na pag-uusap. Doon, walang debate—walang planta, walang protesta. Doon, sila ay sina Daniel at Althea, dalawang pusong umiibig sa kabila ng pagkakaiba.Dumating ang trahedya nang sumiklab ang isang sunog sa isa sa mga pasilidad ng planta. Walang nasaktan, ngunit ito ay nagdulot ng mas matinding takot sa mga mamamayan. Lalong lumakas ang protesta, at sa gitna nito, si Daniel ay napilitan nang mamili. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang planta hindi bilang isang pangarap kundi bilang isang panganib na maaaring ikawasak ng lahat. Pinili niyang talikuran ang proyekto, hindi dahil sa takot kundi dahil sa paniniwalang may mas ligtas at mas angkop na paraan upang paunlarin ang bayan.Ngunit huli na ba ang lahat para sa kanila ni Althea? May natitira pa bang init sa pusong minsang nagliyab? O tulad ng planta, ang kanilang pagmamahal ay isa na lamang istrukturang hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong gumana?