Starynovel - Mr Smith's Young Wife
close button

Add Starynovel to the desktop to enjoy best novels.

Mr Smith's Young Wife
book-rating-imgREADING AGE 18+
WILD FLOWER
Steamy Stories
ABSTRACT
Lumaking may mabuting puso ang dalagang si Hannah. Masaya at kuntento ito sa buhay. May mga magulang itong nakasuporta sa kanya sa lahat ng pangarap at naisin niya sa buhay. Hindi sila matatawag na sobrang yaman pero hindi rin naman matatawag na mahirap ang kanilang pamilya. Isang owner ng bangko ang daddy nito. Habang ang ina naman niya ang namamahala sa kanilang tahanan. Pero unti-unting nagbago ang lahat nang dumating ang tita nito at pinsan sa kanilang bahay. Kasabay pa nito, ang biglaang pagkaatake sa puso ng kanyang ama! Naging sunud sunuran sina Hannah at ina nito sa kanyang tita at pinsan. Ginawa silang katulong ng mag-inang masama ang ugali. Dahil hindi legal na mag-asawa ang mga magulang ni Hannah, kaya naman hindi naipaglaban ng ina niya ang bangko nila nang kunin iyon ng hipag niya lalo pa’t may lumabas na last will and testament ng kanyang ama na ibinibigay nito sa nakababatang kapatid ang pamamahala sa bangko. Nagkasakit ang ina ni Hannah. Dahilan para mas lalo siyang inapi ng mag-inang Daniella at Delilah. Nanatili sa hospital ang ina nitong may sakit. Habang si Hannah ay naninilbihan sa mag-ina para sa maliit na halaga na binibigay ng kanyang tita Daniella pambili nito ng gamot ng ina nitong nasa hospital. Hindi naman siya pwedeng maghanap ng trabaho dahil ginawa siyang all around maid sa bahay nila. Hanggang sa ipakasal si Delilah sa isang misteryosong binata na dating mayaman. Pero ayon sa balita, nalugi ang kumpanya nito kaya naman wala na itong maski anong ari-arian at pera. Tumanggi si Delilah na mapag-alaman niyang daig pa ng isang pulubi ang mapapangasawa nito. Dahil bukod sa wala na itong pera at bahay, wala din itong trabaho dahil walang tumatanggap sa kanyang kumpanya. Pero dahil kailangan nilang sumunod sa kasunduan para mag-invest ang pamilya ng binata sa kanilang bangko, pumayag ang mag-ina pero ang ipinakasal sa binata ay walang iba kundi si Hannah! Kapalit ng malaking halaga na magpapagaling sa ina nitong may sakit, pumayag si Hannah na maikasal sa hindi niya kakilala. Pero nang araw mismo ng kanilang kasal ay nagulat ito na makilala kung sino ang binata! Walang iba kundi ang boss ng dating kasintahan nito na nagtaksil sa kanya! “Akala ko ba isang pulubi ang magiging asawa ko. Bakit ang isang tanyag na si sir Russel Smith ang nandidito? Imposibleng naghihirap na siya at bumagsak ang kumpanya niya. Maayos pa naman iyon–two years ago a. Na-bankrup nga kaya siya kaya heto at magpapakasal sa isang katulad ko kahit na wala naman siyang mapapala sa akin?” usal ni Hannah na walang kakurap-kurap na nakamata. . . sa kanyang magiging asawa!

Library

Discover

Search

Me